Sabado, Mayo 5, 2012

I'm 33 weeks pregnant today at pakiramdam ko ito yung stage na namumugad(nesting) ako. First stop, ATTIC. Dito nakalagay lahat ng mga gamit na hindi naman namin halos araw-araw nagagamit. Mga laruan ng dalawa kong anak na babae, magazines na naipon ko mula ng mahilig akong magbasa noong 2002, nakatagong damit, at kung anu-ano pa.

Sisimulan ko ang pagliligpit sa mga magazines. Noong una, hindi ko talaga sila kayang ipamigay kasi nanghihinayang ako. Pero alam ko na mas kailangan na namin ng dagdag na space dahil sa madadagdagan na ang miyembro ng pamilya ko. Binigay ko ang unang batch ng magazine sa isang salon na malapit dito sa amin. At nung nakita ko na mas maraming tao ang nakakabasa pa at mas napapakinabangan ang mga magazine kaysa naman nakatambak lang sa mga lalagyan nito sa attic, mas gumaan ang pakiramdam ko na mawalay sa mga luma kong magazines.

Susunod, mga laruan....